^

Police Metro

Acosta tinibag ang kalabang pader

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang tinibag ng bata at baguhang pulitiko na si Bukidnon elect Congresswoman Malou Acosta ang maituturing na pader sa larangan ng pulitika na si incumbent Congressman Jesus Paras sa katatapos pa lamang na 2013 midterm elections.

Si Acosta ay naka­babatang kapatid ni Laguna Lake Development Authority General Manager at Secretary for Environmental Protection Nereus “Neric” Acosta ay naka­pagtala ng kabuuang 50,163 votes na   mahigit labing isang libong kalamangan kontra kay Paras.

Taos puso ang pasasa­lamat ni Acosta sa mga sumuporta at nagdala sa kanya sa tagumpay at maging kay Paras ay kanya rin pinasalamatan dahil sa maagang pag-concede sa pagtanggap ng resulta ng eleksyon.

“Ang pagtitiwala ring ito ang magbibigay sa akin ng inspirasyon para ma­nindigan at magsulong ng mga programang makatotohanan at tunay na naglilingkod sa sambaya­nan,” ayon kay Acosta.

Plano ni Acosta na big­yan ng prayoridad ang ka­likasan, kabataan at ka­babaihan.

 

ACOSTA

BUKIDNON

CONGRESSMAN JESUS PARAS

CONGRESSWOMAN MALOU ACOSTA

ENVIRONMENTAL PROTECTION NEREUS

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY GENERAL MANAGER

MISTULANG

SHY

SI ACOSTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with