^

Police Metro

Tsinoy trader pinasok ng 7, dinedo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang bala sa mukha ang natamo ng isang negosyanteng Tsinoy matapos na barilin ng isa sa 7 kalalakihan na nanloob sa kanyang bahay kahapon ng umaga sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa St. Luke’s Medical Center ang biktimang si Edward Choy, 57.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng isang owner type jeep at motorsiklo na hindi naplakahan.

Batay sa ulat, dakong alas-6:20 ng umaga ay naglilinis sa compound ng kanilang bahay na ma­­tatagpuan sa no. 39 Doña Hemady St., Brgy. Mariana si Edward nang dumating ang pitong kalalakihan na armado ng baril at pilit na pumasok.

Narinig ng misis ni Edward na si Ema ang pagtatalo nito sa mga suspek kaya’t pinuntahan niya ito.

Subalit, pagsapit sa pintuan ay bigla umanong tinutukan siya ng iba pang suspek at pinadapa sa sahig at maging ang mga anak at kanilang kasambahay ay tinutukan din ng baril at pinadapa sa ka­nilang kuwarto.

Matapos nito ay sini­mulan na ng mga suspek ang paghahalughog sa mga kuwarto ng pamilya na kung saan ay patuloy sa pagsasalita at pag-iingay si Edward dahilan para umano mairita ang isa sa mga suspek at barilin ito sa mukha.

Dahil sa pangyaya­ring iyon ay tumakas  ang mga suspek tangay ang limang cellular phones, at cash na P1,500.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

EDWARD CHOY

HEMADY ST.

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

ST. LUKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with