^

Police Metro

Pinagbabaril sa barangay hall… 2 inutas ng bodyguard ni Kap

Cristina Go-Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang katao na pawang kasapi ng barangay ang nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos na sila ay pagbabarilin ng bodyguard ng kanilang chairman na napikon sa isa sa nasawi naganap sa loob ng barangay hall ng Brgy.Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din ang mga biktimang sina Marife Biyo, 48, may-asawa, brgy. administrator at Eduardo Bunguit, 59, tanod.

Habang nasugatan sina Shiela Marie Biyo 23, health worker; Julius De Puyat, 54, hepe ng tanod at Diego Hombria, bodyguard ni Brgy. Captain Leu­terio Guimbaolibot.

Naaresto agad ang suspek na si Magdaleno Vera­no, 52, bodyguard din ni Guimbaolibot at re­sidente ng Blk. 135, Phase 3, Brgy. Paliparan 3 ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Paulo Figueroa, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-6:20 ng gabi sa loob ng brgy. hall ay nagsasagawa ng pagpupulong ang mga biktima at suspek.

Dito ay narinig ng sus­pek sa pagpupulong na natalo sa kanilang lugar ang dinadala niyang kandidato na hindi nito nagustuhan.

Kinompronta ng suspek si Biyo na naging da­hilan nang mainitang pagtatalo hanggang sa ma­pikon ang una at binunot ang dalang baril at pinagbabaril ang huli na kung saan ang ibang mga bala ay tumama sa ibang mga biktima.

Mabilis na  rumesponde ang pulisya na nasa ibaba lang ng barangay hall at inaresto ang suspek na noon ay lasing pala.

Nakumpiska sa suspek ang isang cal 45 armscor na may mga la­man pang bala.

 

BRGY

CAPTAIN LEU

DIEGO HOMBRIA

EDUARDO BUNGUIT

GUIMBAOLIBOT

JULIUS DE PUYAT

MAGDALENO VERA

MARIFE BIYO

PALIPARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with