^

Police Metro

Mag-ina nanlaban sa snatcher nahulog sa footbridge, anak patay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 30-anyos na binata habang nasugatan naman ang kanyang ina matapos na sila ay itulak ng snatcher sa hagdanan ng footbridge matapos manlaban nang hablutin ang kuwintas ng huli sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Nocky Briguez, 30, accountant dahil sa matinding pinsala sa ulo habang nagtamo lang ng minor injuries ang ina nito na si Paz Briguez, retiradong empleyado ng University of the Philippine Press.

Batay sa ulat, ganap na alas-6:30 ng gabi ay nag­lalakad ang mag-ina sa footbridge sa may Quezon Avenue kanto ng Edsa, Brgy. Bagong Pag-asa nang biglang sumulpot ang suspek  na nasa pagitan ng edad 15-20 at hinablot ang suot na gintong kuwintas ng matanda.

Dahil may bitbit na takore si Nocky ay pinaghahampas nito ang suspek hanggang sa mauwi ito sa suntukan.

Nasuntok ng  suspek si Nocky at sa pagbuwal ay nahawakan nito sa katawan ang ina dahilan para kapwa sila mahulog at magpagulong gulong sa baitang ng hagdan na kung saan ay napinsala ang ulo ng biktima.

Nang makita ng suspek na kapwa sugatan ang mag-ina ay tumakas ito.

vuukle comment

BAGONG PAG

BATAY

BRGY

NOCKY

NOCKY BRIGUEZ

PAZ BRIGUEZ

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINE PRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with