Metro manila winners
MANILA, Philippines -Magkahalong daÂtihan at mga baÂÂguhan ang luluklok sa kanilang mga posisyon sa Metro Manila.
Taguig City
Sigurado na ang pag-upo ni incumbent Taguig City Mayor Laarni CaÂyetano dahil sa malaking lamang nito sa kalabang si Rica Tinga sa nakuha nitong boto na 55,012 boto laban sa huli na nakakuha ng 33,396 boto.
Makati City
Sa Makati City, iprinoklama na si Mayor Junjun Binay dahil sa landslide na boto habang sa Las Pinas City ay malaki ang lamang ni incumbent Mayor Nene Aguilar na may 110,282 boto kumÂpara sa nakuhang boto ni Conrado Miranda na mayroon lamang 2,983 boto.
Dikitan naman sa nagÂlalabing bayan sa Metro Manila na Pateros kung saan lamang si incumbent Mayor Jaime Medina na may 9,102 boto laban kay Ike Ponce na may 8,992 boto.
Pasay City
Hinihintay na rin ang proklamasyon kay incumbent Pasay City Mayor Antonino Calixto na malaki ang agwat nang makakuha ng 99,907 boto kumpara sa pinakamalapit na katunggali na si Jorge Del Rosario na meron lamang 24,146 boto sa pinakahuling datos ng Comelec.
Muntinlupa City
Sa Muntinlupa City, dehado ngayon si incumbent Mayor Aldrin San Pedro na may 69,522 boto kumpara sa 73,537 na nakalap ni Jaime Fresnedi.
Babalik naman sa Kongreso si Rodolfo Biazon na nakakuha ng 100,742 boto kumpara sa 25,694 boto ni Emerson Espeleta.
Parañaque City
Naghahabol rin sa Paranaque City si Benjo Bernabe, anak ni incumbent Mayor Florencio Bernabe Jr. na nakakalap ng 67,352 boto habang mas malaki naman ang nakuha ng katunggaling si Edwin Olivarez na may 94,279 boto.
Hindi naman natinag sa kanilang mga puwesto ang mga “incumbent†sa Eastern Metro Manila dahil sa muling makabalik sa puwesto ang mga ito.
San Juan City
Naiproklama na si incumbent San Juan City Mayor Guia Gomez na nakakuha ng botong 33,994 na 97.5% sa kabuuang mga boto na malayong-malayo sa kanyang mga karibal.
Nagwagi ang anak ni Senador Jinggoy Estrada na si Janella Estrada bilang konsehal ng habang tinalo ni Ronnie Zamora ang isa pang pinsan ng mga Estrada na si Janel Estrada sa pagkakongresista.
Mandaluyong City
Naiproklama na rin si incumbent MandaluÂyong City Mayor Benhur Abalos na nakakuha ng botong 62,273 laban sa katunggaling si Danny De Guzman na nakakuha ng 28,621 boto.
Marikina City
Sa Marikina, nakakaÂlap si incumbent Mayor Del De Guzman ng 106,358 boto habang ang pinakamalapit na naghahabol na si Felipe Evangelista ay meron lamang 2,476 na boto.
Pasig City
Sa Pasig City, naiprokÂlama na rin si Maribel Eusebio, misis ni outgoing Mayor Robert Eusebio bilang bagong alkalde ng lungsod. Higit dalawang dekada nang pinamamahalaan ng pamilya Eusebio ang lungsod mula nang maluklok si Vicente Eusebio noong 1992, pinalitan ng misis na si Soledad bago ang anak na si Robert.
Navotas City
Naiproklama na si re-electionist Navotas City Mayor Mayor John Rey Tiangco na nakuha ng botong 60,277 at tinalo nito ang kanyang nakatunggaling si Patrick Joseph Javier na nakakuha ng botong 29,387. Ang kapatid naman nitong si Toby Tiangco ay muling nahalal bilang congressman nakuhang boto na 69,107 laban sa kalabang si Atty. Rico Jose de Guzman, na nakakuha naman ng botong 17,084.
Caloocan City
Sa Caloocan City ay lamang si Oca Malapitan, sa nakuhang botong 201,852, sa kalaban na si RJ Echiverri na may botong 139,064.
Si Maca Asistio naman ang lamang sa pagka bise alkalde, na may botong 99,01 at si Tito Varela ay may botong 94,295.
Sa unang destrito ng lungsod, sa pagka-congressman ay lamang si Mayor Echiverri, na may botong 113,378 at si Along Malapitan ay nagtamo naman ng botong 102,124 at sa ikalawang distrito naman ay nagtamo ng 49,611 na boto si Vice Mayor Edgar Erice kumpara kay Congresswoman Mitch Cajayon, na may botong 43,455.
Malabon City
Sa Malabon City ay walang kalaban si Mayor Antolin “Len†Oreta III gayundin ang tumatakbong congresswoman dito na si Representative Jaye Lacson.
Valenzuela City
Sa Valenzuela City ay lamang sa pagka-alkalde si Rex Gatchalian sa katunggaling si Adel Guinigundo.
- Latest