^

Police Metro

Mayor sugatan sa holdap

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang Ma­yor makaraang barilin ng isa sa walong hindi pa nakilalang holdaper na humarang sa sasakyan nito sa highway ng Brgy. Bocboc, Don Carlos, Bukidnon ka­makalawa ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Kadilingan Mayor Joelito Talaid na nagtamo ng sugat sa kaliwang hita at patuloy na nilalapatan ng lunas sa Don Carlos Hospital.

Ayon kay Northern Mindanao Regional Police Spokesman Supt Ronnie Francis Cariaga,  dakong alas-3:45 ng madaling-araw nang harangin ng anim hanggang walong mga armadong lalaki na magkakaangkas sa mga motorsiklo ang behikulo ng alkalde.

Agad umanong tinutukan ng baril ng mga suspek  ang behikulo ni Talaid at pinabuksan ang pinto saka kinuha ang bag nito na nag­lalaman ng malaking halaga ng pera.

Walang nagawa ang mga bodyguard at driver ng alkalde sa matinding takot sa mga armadong suspek.

Tumagal lamang ang panghoholdap ng ilang minuto pero bago tumakas ay binaril pa ng isa sa mga suspek sa hita ang alkalde.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang mga awtoridad sa kasong ito at patuloy din ang im­bestigas­yon sa kaso.

vuukle comment

AYON

BOCBOC

BRGY

BUKIDNON

DON CARLOS

DON CARLOS HOSPITAL

KADILINGAN MAYOR JOELITO TALAID

NORTHERN MINDANAO REGIONAL POLICE SPOKESMAN SUPT RONNIE FRANCIS CARIAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with