PPCRV suportado ng mining firm sa malinis at mapayapang halalan
MANILA, Philippines -Nagkaloob ng suporÂta kamakailan ang Sagittarius Mines Inc., ( SMI) sa Parish Pastoral Council for Responsible VoÂting (PPCRV) sa pagtataguyod nito ng malinis at maÂpayapang halalan sa Mayo 13.
Tinitiyak ng PPCRV ang karapatang makaboto ng mamamayan at nagtataguyod ng malinis, tapat, maayos at mapayapang halalan at sa eleksiÂyong ito ay nakatuon ang grupo sa ibang edukasyon.
Lumagda sa Memorandum of UnderstanÂding sina SMI General manager Mark Williams at PPCRV Chairperson Tita De Villa kung saan nangangako ng suporta ang SMI sa layunin ng PPCRV.
Ayon naman kay De Villa, malaki ang maituÂtulong ng suporta ng SMI sa pagtataguyod nila ng malinis, tapat, tiyak, maÂkahulugan at mapayapang halalan.
Ang SMI ang kinonÂtrata ng gobyerno para paunlarin ang $5.9 bilÂyong Tampakan copÂper-gold project sa Tampakan, South Cotabato.
- Latest