Bulkang Mayon sumambulat: 5 patay
MANILA, Philippines - Nasawi ang limang katao na kinabibilangan ng 4 Aleman makaraang magbuga ng abo ang Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay kahapon ng umaga.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario, kabilang sa nasawi ay ang tour guide na si Jerome Berin at apat na Aleman na sina Joan Eduz, Roland Pieza, Farah Franess at Fibin Stifler.
Habang pito ang nasugatan dahil sa ibinugang mga bato at makapal na abo mula sa crater ng bulkan na kinabibilangan ng Thailander na si Boon Chai, Australian na si Straw Vega; apat na Pinoy na sina Kenneth Jesalva, tour guide; Bernard Hernandez at Calixto Balunso.
Nabatid sa ulat, 20 mountainers na kinabibilangan ng mga dayuhan na nagtatlong grupo kasama ang mga tour guide na mga Pinoy ang umakyat sa Mayon volcano nang abutan sila ng ngitngit ng “phreatic explosion’ o pagsabog ng abo bandang alas-8:25 ng umaga.
- Latest