Vice Gov. ng Palawan pinalalayas sa puwesto
MANILA, Philippines - Dahil sa pandaraya sa kanyang isinumiteng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) ay pinaaalis na ng Korte Suprema sa kanyang posisyon si Palawan Vice Governo Clara Espiritu-Reyes, asawa ng dating gobernador na si Joel Reyes na pugante sa batas.
Sa naging desisyon ng Korte Suprema na kumatig din sa naunang pasiya ng Comelec na nagsabing guilty si Reyes sa “material misrepresentation†sa kaÂniyang isinumiteng COC sa pagtakbo niya noong May 2010 elections daÂhil sa pagkabigo na mapaÂtunayan na siya ay perÂmanenteng residente ng Barangay Tigman sa bayan ng Aborlan, sakop ng ikalawang distrito ng Palawan kung saan siya tumatakbo naman ngayon bilang gobernador.
Nakasaad sa resolusÂyon ng Mataas na HukuÂman na walang pag-abuÂso sa kapangyarihan ang poll body nang magÂpaÂsiya ng reklamo laban kay Reyes.
Si Reyes ay asawa ng dating gobernador na si Joel Reyes na wanÂted sa pagpatay sa enviÂronmentalist at brodÂkaster na si Doc Gerry Ortega.
- Latest