Chiz, tatakbong presidente sa 2016 – Kris
MANILA, Philippines - Ibinuking ni presidential sister at TV host Kris Aquino ang planong pagtakbong Pangulo ni Team PNoy senatorial bet Chiz Escudero sa 2016 presidential race.
Ginawa ni Kris ang pahayag hinggil sa planong pagtakbong Pangulo ni Chiz sa 2016 grand rally ng mayoralty candidate na si Bem Noel ng An-Waray sa Tacloban City.
“Sabi ko kay Chiz dapat pagtakbo niyang presidente sa 2016 ay gaÂnito ang kanyang kampanÂya,†na ang tinutukoy ni Kris ay ang magandang program tulad ng kampanya ni Bem Noel na ginanap sa Tacloban sports complex na dinaluhan ng may 30,000 na Taclobeno.
Ayon kay Kris, ibinilin sa kanya ni PNoy na gawin niya ang lahat para kumbinsihin ang taga-TacÂloban na manalo si Bem Noel upang umunlad ang lungsod.
Aniya, mahal na mahal ni PNoy si Bem na isa niyang matalik na kaibigan at matapat na kaalÂyado kaya pupunta dito sa Lunes si Pangulong Aquino upang siguruhin na siya (Bem) ang susunod na alkalde.
- Latest















