^

Police Metro

Akyat bahay dedo sa kuryente

, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang hinihinalang miyembro ng akyat bahay gang matapos itong makuryente sa nilooban nitong pribadong bahay na may solar power sa Taguig  City, kamakalawa ng umaga.

Matigas na at isa ng malamig na bangkay nang matagpuan ang biktimang  si Mandy Lopena, 21, nakatira sa Block 7,  Lot 35, Rocky Side Ville, Barangay Bagumbayan sa lungsod.

Sa report ng Taguig City Police, noong Biyernes ng umaga ay  natagpuan ang bangkay ng biktima sa baba ng pader na may solar po­wer na pag-aari ng isang nagngangalang Cornelio Tanyo, na matatagpuan sa Santo Niño St., Holy Family Village, Barangay Bagumbayan sa lungsod.

Sa pagsisiyasat ng Sector 3 law enforcers, nabatid na tinangka umano ng biktima na akyatin ang mataas na bakod pero nahawakan nito ang live-wire kaya nangisay hanggang tuluyang mamatay.

Sa rekord ng pulisya, sinasabing ang biktima  ay sakit umano ng ulo sa kanilang barangay dahil maraming beses na umano itong nasasangkot sa kaso ng pagnanakaw.

 

BARANGAY BAGUMBAYAN

BIYERNES

CORNELIO TANYO

HOLY FAMILY VILLAGE

MANDY LOPENA

ROCKY SIDE VILLE

SANTO NI

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with