^

Police Metro

Mancao, takot sa shoot to kill order

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Takot si dating  P/Sr. Supt. Cesar Mancao sa posibilidad na iutos ng pa­mahalaan ang shoot to kill order laban sa  kanya matapos ang kanyang  ginawang pagtakas mula sa  kustodiya ng  National  Bureau of  Investigation (NBI).

 â€œWag naman sanang umabot kami sa ganun (shoot to kill). ‘Wag lang kaming ilagay sa gipit. Tip of the iceberg na ito. Sa aking paghihirap noon para sa bansa, sana hindi masayang,” panawagan ni Mancao.

Ayon kay Mancao mas nakakakita siya ng  hustisya sa labas ng kulungan kaya siya tumakas dahil plano umano siyang ipapatay.

Hindi na aniya niya habol na ikumpara ang kan­yang kondisyon sa iba pang sangkot sa Da­cer-Corbito double murder case na malaya na nga­yon tulad nina Michael Ray Aquino, Glen Dumlao at Sen. Panfilo Lacson.

Umaasa ngayon si Mancao kay Justice Secretary Leila de Lima na hindi hahantong sa wala ang lahat ng kanyang paghihirap.

Dismayado din si Man­cao sa sistema ng hustisya sa mga malakas at maimpluwensiyang tao sa lipunan. Dama umano niya ang impluwensya ng mga makapangyarihan.

Paliwanag ni Mancao, sinabihan umano siya ng prosecutor na hindi siya puwedeng ilipat ng Manila City Jail dahil sa seguridad subalit kinatigan pa rin ng korte ang  hi­ling ng kanyang kalaban kung kaya’t wala na siyang nakikitang  hustisya  habang nasa loob ng NBI.  Bukod pa ito sa pagbaligtad na ng isang witness laban sa kanya na si Glen Dumlao.

 

CESAR MANCAO

GLEN DUMLAO

JUSTICE SECRETARY LEILA

MANCAO

MANILA CITY JAIL

MICHAEL RAY AQUINO

PANFILO LACSON

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with