Engineer hinoldap sa gitna ng ilog, todas
MANILA, Philippines -Namatay noon din ang isang 54-anyos na civil engineer matapos itong sumpakin sa dibdib ng mga suspek na nanghoholdap habang sakay ng bangka sa gitna ng ilog kahapon ng umaga sa Malabon City.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Danilo Omamalin, ng Zulueta St., CabanaÂtuan. Habang tumakas ang mga suspek na nakasuot ng bonnet sakay ng bangka.
Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga, ay suÂÂmakay ang biktima sa bangka ni Federico Florez Jr., 24 sa Barangay Dampalit, Malabon City upang magpahatid sa Echo Shield Land Fill Development Corporation sa Salabao, Obando, Bulacan.
Habang nasa gitna ng ilog ay hinarang ang kaÂnilang bangka ng mga suspek na sakay rin ng bangkang de motor at nagdeklara ng holdap.
Kinuha ng mga suspek ang bag pack ng biktima na naglalaman ng mga gamit at hindi pa batid na halaga ng pera.
Bago tumakas ay isa sa mga suspek ang sumumÂpak sa biktima na naÂging dahilan upang dalhin ni Florez sa daungan ng Obando, subalit kaagad itong binawian ng buhay.
- Latest