Koko, inendorso ng chess groups sa Bulacan
MANILA, Philippines -Inendorso ng All Bulacan Chess Federation (ABCF) ang kandidatura ni re-electionist Senator Aquilino “Koko†Pimentel III na isang mahusay na manlalaro ng ahedres at laging sumusuporta sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP).
Ayon kay ABCF president at National Arbiter Richard dela Cruz, hindi sumusuporta si Pimentel sa chess bilang chairman ng Senate committee on Games and Amusement kundi naging aktibong manlalaro rin ito noong iskolar sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.
“Dapat talagang suportahan ng lahat ng chess players at ng kanilang mga pamilya si Sen. Koko Pimentel dahil naging varsity player siya ng UP chess team kaya makikita sa performance niya sa Senado na nag-iisip muna siyang mabuti bago magpasya sa kanyang aksiyon,†ani Dela Cruz.
“Full support din siya sa mga chess tournament kaya marami nang grandmaster ang Pilipinas ngaÂyon,†dagdag ni Dela Cruz.
“Sumuporta rin kay Pimentel ang chess groups sa Bulacan tulad ng Sta. Maria Chess Club sa pamumuno ni Engr. Norben de Jesus at ang muling binuhay na Balagtas Chess Club sa ilalim ni Ariel Borlongan.
- Latest