Escort ng trak kinidnap ng NPA
MANILA, Philippines -Dinukot ng mga rebelÂdeng New People’s Army (NPA) ang isang rider ng motorsiklo na nag-e-escort sa isang 10 wheeler truck na sinunog kamakalawa ng gabi sa highway ng Bislig City, Surigao del Sur.
Ang biktima ay kinilaÂlang si Mario Ytac, driver ng XRM motorcycle na escort ng ten wheeler truck.
Sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi nang haraÂngin ng limang armadong rebelde sa pamumuno ng isang Renato Sayatsat ng NPA Front Committee 14 ang nasabing truck sa Road 41, Brgy. San Roque ng lungsod na ito na na minamaneho ni Bebot Tampos habang nagsisilbi namang escort nito ang isang TMX motorcycle na minamaneho naman ni Ytac.
Walang nagawa ang mga biktima matapos na tutukan ng baril ng mga rebelde kung saan iginapos ng mga ito si Tampos at ang helper na si Bebe Macaylas pero tinangay si Ytac na pinagmaneho ng motorsiklo na ginamit ding getaway vehicle ng mga rebelde.
- Latest