^

Police Metro

Niratrat habang lumalaklak… parak patay sa huling tagay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Mistulang naging hu­ling pagtagay ng alak ang isang pulis matapos na siya at isang kasama ay pagbabarilin habang nag-iinuman sa tapat ng isang tindahan ng mga hindi pa ki­la­lang suspek kaha­pon ng ma­daling-araw sa Quezon City.

Namatay noon din ang mga biktimang sina PO2 Zalde Elumba, 32, na  natukoy sa pamamagitan ng nakuhang identification card sa kanyang pitaka at kasamang si Reynaldo Tapay.

Sa ulat, nangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling-araw sa harap ng Rolit’s sari-sari store & bakery na matatagpuan sa #39 Doña Rosario St., Novaliches Town Proper sa lungsod.

Bago ang pamamaril ay sakay ng kanilang motorsiklo at huminto sa nasabing tindahan para magsaya at uminom ng alak.

Umorder ang mga bik­tima ng serbesa kay  Edi­gerio Vico, helper ng tin­dahan, na kanya naman agad inabot.

Pagpasok ni Vico sa loob ng tindahan ay nakarinig ito ng sunud-sunod na  putok ng baril at nang kanyang tignan ay nakita ang dalawang biktima na nakabulagta at wala na ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng  pulisya upang matukoy ang motibo ng pamamaril ng mga hindi pa kilalang suspek.

vuukle comment

EDI

NOVALICHES TOWN PROPER

QUEZON CITY

REYNALDO TAPAY

ROSARIO ST.

SHY

VICO

ZALDE ELUMBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with