^

Police Metro

Bro. Eddie inendorso ng TUCP

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines -Kabilang si Bangon Pilipinas senatorial candidate Bro. Eddie Villa­nueva ang nagpapasalamat kahapon sa ginawang pag-eendorso sa kanya ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), ang pinakama­laking labor confederation sa bansa na may 1.2 milyong miyembro.

Pinangunahan ni TUCP sectoral Rep. Ray­mond Democrito Mendoza ang pag-eendorso kay Bro.Eddie sa isang seremonya sa TUCP Building sa Diliman, Quezon City na kung saan ay lumagda ng isang manifesto na nagpapahayag ng suporta sa kandidatura nito.

Bukod kay Bro. Eddie iniendorso rin ng TUCP ang iba pang kandidato na sina Loren Legarda, Bam Aquino, Cynthia Villar,  JV Ejercito,  Alan Peter Ca­yetano at Risa Hontiveros.

Kaya umano inendorso ng TUCP ang kandidatura ni Bro. Eddie ay dahil sa pagmamahal nito sa bayan at pag-unlad ng kabuhayan ng mga mahihirap o yung nasa marginalized sector na kung tawagin ay “nasagigilid”.

Kaya’t nangako si Bro. Eddie na ang plataporma niya sa senado ay pag-angat ng kabuhayan ng mga maliliit na manggagawang Pinoy  sa loob at labas ng bansa.

vuukle comment

ALAN PETER CA

BAM AQUINO

BANGON PILIPINAS

CYNTHIA VILLAR

DEMOCRITO MENDOZA

EDDIE

EDDIE VILLA

KAYA

LOREN LEGARDA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with