^

Police Metro

Ate ni Pnoy nangampanya para kay Bam Aquino

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maging ang ate ng Pangulong Noynoy Aquino na si Pinky Aquino-Abellada ay nangam­panya para sa pinsan-buo nilang senatoriable na si Benigno Bam Aquino.

Sa ipinatawag na salu-salu ni Pinky, nais umano niyang ipakilala sa publiko ang kanyang pinsang si Bam, na inihalintulad niya sa mga yumaong magulang na sina Ninoy at Cory Aquino.

“Si Bam ay simpleng tao katulad ng aking amang si Ninoy, at inang si Cory. Wala siyang luho sa katawan, kaya mas madali talikuran ang mga temptasyon,” paliwanag ni Pinky.

Ikinuwento rin niya ang angking galing at ta­lino ni Bam, na nagtapos ng valedictorian mula elementary hanggang kolehiyo, at nagtapos rin ng summa cum laude, va­­ledictorian, at student council president mula sa pinakamahirap na kurso ng Ateneo de Manila University.

“Ang daming kumpanyang lumapit sa kanya para magtrabaho sa kanila, pero ang pinili ni Bam, ‘yung mga NGO na direktang nakakatulong sa mga mahihirap. Matulu­ngin si Bam,” ani Pinky.

Marami pang ibinida ni Pinky tungkol sa mabu­ting pagkatao ng kanyang pinsang si Bam Aquino.

 

vuukle comment

BAM

BAM AQUINO

BENIGNO BAM AQUINO

CORY AQUINO

MANILA UNIVERSITY

NINOY

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PINKY AQUINO-ABELLADA

SI BAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with