^

Police Metro

Estudyante, nagbigti

Cristina Go Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naaagnas na ang bang­kay ng isang estudyan­te nang ito ay matagpu­ang nakabigti sa isang aban­donadong bahay sa isang subdivision sa Imus Cavite, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakila­lang si Martin Matthews Era, 20, estudyante ng Adamson University na residente ng Brgy. Pasong Buaya 2, Imus Cavite.

Batay sa imbestigas­yon ni PO3 Allan Reyes, may hawak ng kaso, ganap na alas-7:00 ng umaga ng matagpuan ni Samuel Era, ang kanyang anak na naka­bigti sa isang abandonadong bahay sa Meadow Vill Subdivision, Imus Ca­vite.

Ayon kay Samuel, nagkaroon ng problema sa paaralan ang kanyang anak kaya ito pansamantalang nahinto sa pag-aaral.

Sinabi ni Samuel, noong April 18 ay umalis umano ng bahay ang bik­tima pero hindi na ito mu­ling nakabalik pa kaya ito hinanap kung saan-saan hanggang sa makitang nakabigti.

Hinihinala ng pulisya na may limang araw ng patay ang biktima nang ito ay matagpuan dahil naaagnas na. Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad para matukoy kung may foul play sa pagkamatay ng estudyante.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ALLAN REYES

IMUS CA

IMUS CAVITE

MARTIN MATTHEWS ERA

MEADOW VILL SUBDIVISION

PASONG BUAYA

SAMUEL ERA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with