Ginang na may utang sinapak ng parak
MANILA, Philippines - Naospital ang isang 56-anyos na ginang matapos na sapakin siya ng isang pulis dahil sa utang nito sa misis ng pulis na naganap kamakailan sa Valenzuela City.
Ang suspek na kinasuhan kahapon ng physical injuries ay nakilalang si SPO2 Rajean Apolinar Mirando, nakatalaga sa Valenzuela City Police Admin Holding Area.
Sa salaysay ng biktiÂma na si Sylvia Arellano, ng Sabino St., Barangay Marulas ng lungsod, daÂkong alas-7:30 ng gabi noong Abril 20, 2013 ay kiÂnompronta siya ng misis ng suspek sa Marulas Public Market dahil sa kanyang utang dito na hindi pa niya nababayaran.
Naging mainit ang pagÂtatalo ng dalawang ginang hanggang sa sumulpot ang suspek at sapakin ang biktima na dahilan para ito ay ma-confine sa ospital.
Nang makalabas kahapon ay doon lang ito nakapagsampa ng reklamo.
- Latest