Opisyal ng Army kinulong, 16 tauhan isinailalim sa restricted custody
MANILA, Philippines - Bagsak kalaboso ang isang tinyente ng Philippine Army habang isinailalim sa restricted custody ang 16 nitong tauhan matapos salakayin ang himpilan ng Police Community Precint II ng Legazpi City Police noong Miyerkules.
Kinumpirma ni Major Angelo Guzman, Spokesman ng Army’s 9th Infantry Division (ID) ang pagkakakulong ni 1st Lt. JuÂniedy Omandam, Platoon Leader ng Army’s 9th ID Disaster Response and Rescue Operations (DRDO) sa detention center ng nasabing kampo.
Ayon kay Guzman mananatili sa detention cell si Omandam habang iniimbestigahan pa ang kasong kinasangkutan nito kaugnay ng insidente umano sa Chik ‘N Bar sa Capitol Annex Building sa lungsod ng Legazpi.
Nag-ugat ang kaso ni Omandam sa komosyon ng grupo nito sa loob ng Chik ‘N Bar dakong alas -2:30 ng madaling-araw noong Miyerkules at dalawang babae na sina Melanie Kristine Lorejo, 21 at Joyce Valenzuela, 25, kung saan nagsupÂlong sa pulisya ang dalawang babae matapos na umano’y i-harass ni Omandam at ng mga tauhan nito.
Nagresponde sa lugar ang mga elemento ng Legazpi City Police sa pamumuno ni PO2 Norbert Bryan Esplana pero aroganteng kinompronta ang mga ito ni Omandam na nagbasag pa ng bote ng beer bago lumisan sa lugar lulan ng Toyota Innova (ZDF -136).
Ilang minuto pa nilusob ni Omandam at ng 60 nitong tauhan na pawang naka-full battle gear na lulan ng tatlong 6x6 truck at isang Canter truck ang nasabing himpilan at hinarass ang sampung police personnel at inutusan pa ng abusadong opisyal ang kaniyang mga tauhan na barilin ang sinumang papalag kung saan diÂnisarmahan din ang isang tinukoy na SPO4 Escoto.
Tinutukan din ng baril ni Omandam ang mga pulis na pinipilit na iharap sa kanila ang dalawang babaeng nagrereklamo.
Napilitan lamang ang grupo ng tinyente na lumisan sa himpilan matapos na mabatid na nakarating na sa kanilang mga superior ang insidente.
- Latest