^

Police Metro

Banal angat sa 37 barangay ng QC

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang lamang  ng boto sa 37 barangay sa lumabas na survey ni incumbent QC 3rd District Rep. Jorge “Bolet” Banal ng Liberal Party at Team PNoy sa kalaban nitong si dating congressman at kilalang GMA loyalist na si Matias “Mat” Defensor.

Ayon sa pahayag ng United Nationalist Alliance (UNA) kahit umano nag-aakusa ang kalaban ni Banal sa pagsasampa nito ng vote-buying sa Commission on Elections at hindi naglulubay sa kampanya nito sa media upang habulin ang milya-milyang lamang ni Banal sa kanya.

Ayon kay Kaya Natin spokesperson Jess Lorenzo, nasa depensa na si Defensor sa puntong ito ng kampanya, dahil na rin sa magandang rekord ni Banal sa kanyang unang termino, kung saan ibinaba niya sa tao ang biyaya ng serbisyo publiko, bukod pa sa 100% performance niya bilang mambabatas.

Una nang nilinaw ni Navotas Rep. Toby Tiangco, campaign ma­nager ng UNA, na hindi namimili si Banal ng boto, gaya nang unang ipinahayag ng oposisyon, sa sumbong na rin ng kampo ni Defensor.

Ito ay mga gift vou­chers para sa libreng school supplies sa ilalim ng estud­yante program ni Banal, na kinilala ni Tiangco na lehitimong programa, at naipamigay bago pa sa tak­dang election ban.

Hinihinala ng Team Banal na ang pagkapahiyang ito ni Defensor ang tunay na dahilan kung bakit gigil na gigil ito na sirain ang katunggali.

AYON

BANAL

DISTRICT REP

JESS LORENZO

KAYA NATIN

LIBERAL PARTY

NAVOTAS REP

TEAM BANAL

TOBY TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with