^

Police Metro

Riding in tandem crime tututukan ni Enrile

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines -Plano ni UNA senatoriable Jack Enrile na rebyuhin ang batas tung­kol sa pagbibigay ng piyansa sa mga nahu­huli na may dalang baril kung palarin siya sa Se­na­do ngayong halalan.

Ayon kay Enrile na siya ay masyado nang na­babahala sa sunud-sunod na pagpatay sa mga inosenteng sibilyan  na kagagawan ng riding in tandem na kung saan ay  halos magkasunod na pagpatay sa isang broadcaster sa Zamboanga-Sibugay at isang driver ng tumatakbong konsehal sa Pasay City nitong linggo lamang.

Noong nakaraang linggo rin ay isang tom­boy sa Rizal ang pinatay at isang ginang na­­man sa Maynila ang iti­numba ng mga ri­ding in tandem.

“Ano ang ginagawa ng mga otoridad natin sa araw-araw at tila nagiging pangkaraniwan na lang ang mga patayang ito?” tanong ni Enrile.

Naniniwala si Enrile na may problema sa intelligence ang mga otoridad dahil hindi nila mahuli ang mga suspek o mapigilan ang ganitong uri ng krimen.

Ani Enrile, kumpleto at sapat naman ang intelligence funds na inilaan ng kongreso sa mga law enforcement at military intelligence units at maging sa Office of the Pre­sident.

Nais ng mambabatas galing sa Cagayan na magpanukala ng isang batas laban sa mga riding in tandem para sa proteksyon at kapakanan ng mga or­dinaryong mamamayan.

ANI ENRILE

ANO

AYON

ENRILE

JACK ENRILE

OFFICE OF THE PRE

PASAY CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with