^

Police Metro

Police asset inutas sa harap ng nobyo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 32-anyos na gi­nang matapos itong pag­ba­barilin sa harap ng kan­yang nobyo kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Jo­ce­lyn Eugenio, 32-anyos, resi­dente ng no. 2511 Galvez Compound, Aurora St., sa naturang lungsod.

Batay sa ulat, naga­nap ang krimen dakong alas-12:45 ng madaling araw sa kanto ng P. Santos at Tolentino St., ha­bang naglalakad ang biktima kasama ang nob­yong si Peter Gako, 43, nang su­mulpot ang isang lalaki na nakatakip ang mukha ng damit pang-itaas at agad na pinaputukan si Eugenio.

Ayon kay Gako, hina­bol rin siya at pinaputukan ng salarin ngunit naubusan ito ng bala kaya siya naka­ligtas.

Nang tumakas ang suspek, sinamantala ito ni Gako para saklolohan ang nobya at isinugod sa pagamutan ngunit hindi na rin nabuhay.

Malaki ang hinala ni Gako na maaaring may kinalaman sa pagiging dating police asset ng nobya ang ugat ng  krimen dahil sa ilang drug pushers rin sa lungsod ang naipakulong nito.

 

vuukle comment

AURORA ST.

AYON

EUGENIO

GAKO

GALVEZ COMPOUND

PASAY CITY

PETER GAKO

SHY

TOLENTINO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with