^

Police Metro

1 akyat bahay patay sa sekyu

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nasawi ang isang suspek na kinilalang si Jerry Roy Sabio habang arestado naman ang kasama nito na si Romnick Reyes, 19 na pawang mga akyat-ba­hay gang nang maka-engkwentro ang security guard ng isang subdivision na kanilang papasukin at pagnanakawan kahapon ng madaling-araw sa Dasmariñas City, Cavite.

Batay sa ulat, ganap na alas-3:00 ng madaling-araw nang makaengkwen­tro ng sekyu na si Romeo Abella, ang tatlong kalala­kihan sa gate ng binabantayan nitong Metrogate Subdivision na matatagpuan sa Brgy. Sampaloc 3 ng lungsod.

Sinita ng sekyu ang tatlo at tinanong kung saan pupunta, subalit, isa dito ay  agad bumunot ng baril at binaril ang una na hindi tinamaan.

Gumanti ng putok ang sekyu at napatay si Sabio habang nakatakas ang isa at naaresto ang ikalawa sa isang follow-up operation.

Nabatid na ang mga sus­pek ay sangkot sa mga pagnanakaw sa mga subdivision na kung saan ay ginagahasa pa ng mga ito ang mga babae sa bahay na kanilang pinagna­nakawan.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CAVITE

DASMARI

JERRY ROY SABIO

METROGATE SUBDIVISION

ROMEO ABELLA

ROMNICK REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with