^

Police Metro

Bro. Eddie: Unahin ang pinakamahirap!

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines -Hindi nagbabago ang antas ng kahirapan sa kabila ng tumataas na credit rating at magandang performance ng stock market dahil hindi inuuna ang mga pinakamahirap o yung tinatawag na marginalized sector.

Ito ang pagtaya ni Ba­ngon Pilipinas senatorial candidate Bro. Eddie Villanueva kaugnay ng report ng National Statistical Coordination Board (NSCB) na ang poverty incidence ay nananatili sa 27.9 percent sa unang semester ng 2012 na kaparehas din noong taong 2009 at 2006 (28.8 percent).

Ani Villanueva, patunay ito na ang kaunlaran ay hindi nakakaabot sa pinakamahirap na sektor o grassroots ng lipunan at ang mayaman lamang ang lalung yumayaman.

Masyadong dume­pende ang ekonomiya ng Pilipinas sa remittance na ipinadadala lamang ng mga overseas Filipino workers gayundin ng local na pagkonsumo ng mga produkto.

Si Bro. Eddie na isa ring propesor ay nagsabing isusulong din niya ang isang education system na makatutugon sa workforce na kailangan ng bansa.

ANI VILLANUEVA

EDDIE

EDDIE VILLANUEVA

MASYADONG

NATIONAL STATISTICAL COORDINATION BOARD

PILIPINAS

SI BRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with