^

Police Metro

Coed pisak sa cement mixer

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang estudyante ng Siena College ang nasawi ma­tapos itong mapisak nang madaganan ng cement mixer na tumagilid sa isang pampasaherong jeep sa kahabaan ng Araneta Avenue, Quezon City na iki­nasugat din ng pitong katao.

Ang nasawi ay kinila­lang si Marie Cherry Inzon, 20, residente sa Brgy. Cen­tral, Quezon City.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Emilio Bruan,69; misis nitong Con­suelo, 75; Romualdo Sillano, 41, traffic enforcer; at mga pasahero ng jeepney na sina Ana Marin Saldana, 23; Ernesto Lucas; Elizabeth Nacano; Raule Nunuez, at driver na si Romeo Caneto na dinala sa magkakahiwalay na ospital.

Batay sa ulat, ganap na alas-10:00 ng umaga ay tinatahak ng cement mixer truck (ZPL-947), ng 10K Concrete Mix Specialist Inc. na minamaneho ng isang Reynald Guarte ang lugar nang bigla itong mag-preno pagsapit sa stop light.

Sinasabing hinabol ni Guarte ang traffic lights, nag-ilaw ito ng pula sanhi para biglang magpreno ito kaya’t tumagilid ito sa nakahintong pampasaherong jeep (TVV-852) at sa bigat ng mixer ay nayupi at nawasak ang bubungan ng jeepney  dahilan para tamaan ang biktimang si Inzon na noon ay pasakay sana sa jeep.

Habang ang iba pang sugatan tulad ng mag-asawang Bruan ay naipit sa pagitan ng mixer at jeepney, at ang ibang biktima ay sakay sa loob ng jeep.

vuukle comment

ANA MARIN SALDANA

ARANETA AVENUE

CONCRETE MIX SPECIALIST INC

ELIZABETH NACANO

EMILIO BRUAN

ERNESTO LUCAS

MARIE CHERRY INZON

QUEZON CITY

RAULE NUNUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with