^

Police Metro

Lola, 3 paslit natusta sa sunog

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natusta sa sunog ang isang lola at tatlo nitong apo matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Eufe­mia Cuadra, 56 at mga apo na sina Shenalyn Samosa, 4; Rebecca, 2; at Alexandria,1 pawang residente  ng Santa Teresa St., Admin Site, Tala ng lungsod.

Ayon sa ulat ng Caloocan City Fire Department, bago naganap ang sunog dakong alas-10:00 ng gabi sa bahay ay nabatid na  iniwan ng ina ng mga bata na si Jocelyn ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay upang makipanood ng telebisyon sa kapitbahay.

Dahil walang kuryente ay naiwan ang gaserang gamit bilang ilaw, subalit makalipas ang ilang sandali ay biglang nagliyab ang bahay na gawa lamang  sa light materials.

Hindi na nakalabas ang lola dahil sa nahirapan na itong makalakad at ma­ging mga apo ay hindi na rin nakalabas dahil sa pintuan nagsimula ang sunog.

Halos kalahating oras tumagal ang sunog at  nang maapula ang apoy ay nakita ang halos  mga tustadong bangkay ng mga biktima.

vuukle comment

ADMIN SITE

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY FIRE DEPARTMENT

DAHIL

EUFE

SANTA TERESA ST.

SHENALYN SAMOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with