Trader dinukot uli ng Abu
MANILA, Philippines - Isang negosyante na pinsan ng isang heÂneral ng Philippine National Police (PNP) na una ng dinukot ng mga armadong miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) noong 2005 ang muling dinukot kahapon umaga sa Jolo, Sulu.
Kinilala ni Sulu Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Antonio Freyra, ang biktima na si Reynato “Boy “ Yanga, 53 , coffee shop owner sa downtown ng kapitolyo ng Jolo.
Ang biktima ay pinsan ni Chief Supt. Mario Yanga, Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office (PRO) 9.
Ayon sa report, dakong alas-5:20 ng umaga ng pasukin ng limang armadong suspek ang coffee shop ng biktima sa Brgy. Walled City, Jolo na itinaon ng mga ito sa malakas na pagÂbuhos ng ulan.
Agad tinutukan ng baril ng mga suspek ang biktima saka puwersaÂhang kinaladkad palabas at isinakay sa isang multicab.
Nabatid mula sa reÂkord ng pulisya, ikalawang beses na ngayong binihag ng mga bandido ang biktima na ang una ay naganap noong Marso 2005 pero hindi nakipagkooperasyon ang pamilya nito sa mga awtoridad.
Sinasabi ng mga awtoridad na kagagawan ng Urban Terrorist Group ng Abu Sayyaf ang posibleng muling bumihag sa negosÂyante.
Hinala ng pulisya na nagbigay ng malaking ransom ang biktima sa mga bandido noong una itong dukutin kaya muli itong binalikan.
Nagsasagawa ngayon ng maingat na ‘hot pursuit operation’ ang pinagsanib na elemento ng pulisya at ng Philippine Marines para sa ligtas na pagbawi sa bihag.
- Latest