^

Police Metro

Warrant of arrest, harassment lang – Acosta

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa umanong political harassment at vested interest ang nasa likod nang pag-iisyu ng warrant of arrest ng Sandiganbayan laban kay Laguna Lake Development Authority (LLDA) gene­ral manager J.R. Nereus O. Acosta  at sa kanyang ina.

Ayon kay Acosta, nagtataka siya kung bakit nabuhay ang tapos at patay ng kasong perjury laban sa kanya gayung ang mismong complainant ay matagal na ring umurong sa kaso.

Tiniyak naman ni Acosta na susunod siya sa Sandiganbayan at alinmang hukuman sa bansa ngunit nangakong gagawin ang lahat ng legal na hakbang upang matuldukan na ang isyu.

Labis na nalulungkot at dismayado si Acosta sa mga demolition job at pag-atake sa kanya at sa kanyang pamilya.

Siniguro ni Acosta sa mga mamamayan na sa kabila ng mga harassment sa kanya ay hindi maapektuhan ang kanyang trabaho bilang Presidential Adviser for Environmental Protection at pinuno ng LLDA.

Magugunita na nauna nang nagpalabas ang Sandiganbayan Fifth Division ng warrant of arrest laban kay Acosta at sa kanyang ina kaugnay sa perjury charges na inihain sa Office of the Om­budsman noong pang 2006 at Congressman pa la­mang ng Bukidnon. – Mer Layson, Rudy Andal –

 

 

ACOSTA

ENVIRONMENTAL PROTECTION

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY

MER LAYSON

NEREUS O

OFFICE OF THE OM

PRESIDENTIAL ADVISER

RUDY ANDAL

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with