^

Police Metro

Pulis na ginulpi ng PBA import na hit and run

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Matapos ang tatlong linggo simula nang makalabas ng ospital si PO2 Anselmo Lazatin ng Quezon City Police District na sinuntok ng dating PBA import ay muli na naman itong dinala sa ospital nang ma-hit and run kahapon ng umaga sa nasabing lungsod.

Sa ulat, ganap na alas-11:30 ng umaga ay sakay si PO2 Lazatin, 34 na nakatalaga sa QCPD-Kamuning station ng kan­yang motorsiklo papa­uwi sa Caloocan City nang mahagip ng isang kulay itim na kotse na may plakang ZNF-552 sa panulukan ng East at V. Luna Avenue, Barangay Pinyahan.

Sa lakas ng pagkaka­hagip ay tumilapon sa kanyang motorsiklo si PO2 Lazatin, pero sa halip na huminto ang kotse ay tumakas ito.

Isinugod sa East Ave­­nue Medical Center (EAMC) si PO2 Lazatin, ang da­ting ospital na pinagdalhan sa kanya nang suntukin siya ni PBA cager Jamelle Cornley noong Marso 27 na kanyang inaresto dahil sa panggugulo sa Sir William’s Hotel sa kahabaan ng Timog Ave­nue sa Ba­rangay South Triangle.

Nakalagay na sa alarma ang kotse para sa agarang pagkakadakip ng driver nito at masampahan ng kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries.

vuukle comment

ANSELMO LAZATIN

BARANGAY PINYAHAN

CALOOCAN CITY

EAST AVE

JAMELLE CORNLEY

LAZATIN

LUNA AVENUE

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with