^

Police Metro

Binaril sa loob ng coffee shop… Kano utas sa tandem

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Utas ang isang American national o Kano makaraang barilin ng malapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang rinding-in-tandem habang ang biktima ay nasa loob ng kanyang coffee shop sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Parañaque Doctors Hospital ang biktimang si Jeff Watts, 62-anyos, may asawa, naninirahan sa Swazziland at Sorenam Streets, Better Living Subdivision dahil sa tinamong dalawang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-7:15 ng umaga sa loob ng coffee shop na pag-aari ng biktima. 

Ayon sa report, magkaangkas sa motorsiklo na dumating sa coffee shop ang mga salarin at agad na nilapitan ang biktima at walang sabi-sabing dalawang beses na barilin sa ulo.

Matapos ang krimen ay muling sumakay sa motorsiklo na hindi nakuha ang plaka ang dalawang suspek at mabilis na tumakas.

Agad namang si­nak­lolohan ng mga tauhan ang Amerikano at isinugod sa pagamutan pero hindi na umabot ng buhay.

Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung mayroon nakalagay na Close Circuit Television (CCTV) sa coffee shop ng biktima upang matukoy at makilala ang mga salarin.

Sa pagsisiyasat, hindi pinagnakawan ng mga sa­larin ang coffee shop kaya malabo na pagnanakaw ang motibo. 

Hinihinalang mga propesyunal na bayarang hitman ang dalawang suspek na bumaril at pumatay sa biktima.

 

vuukle comment

AMERIKANO

AYON

BETTER LIVING SUBDIVISION

CLOSE CIRCUIT TELEVISION

DOCTORS HOSPITAL

JEFF WATTS

SORENAM STREETS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with