^

Police Metro

4 kidnaper nadakip, kidnap victim nasagip

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nailigtas ng mga ahen­te ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kamay ng kanyang mga kidnaper ang isang Chinese na casino financier sa isinagawang operasyon kahapon ng madaling-araw sa Sta.Cruz, Maynila.

Nadakip ang apat sa limang miyembro ng kidnap for ransom group ang lider na si Gerald Domingo, nobya nitong si Maryjane San Martin; Emmanuel de Jesus at Edwin Castro na may alyas na Orlando Sanchez at Bong na kritikal sa Jose Reyes Memorial Medical dahil sa tama ng bala sa batok nang maki­pagbarilan sa mga tauhan ng NBI.

Nakatakas naman ang isang kasamahan sakay ng Ford Lynx ang isang alyas “Benjie” na umano’y da­ting pulis na nakadestino sa Southern Police District.

Ayon kay NBI-Anti-Organized Crime Division Head Agent  Rommel Vallejo na ang mga suspek  ay isang sindikato ng kidnap-for-ransom na matagal na minamanmanan ng NBI.

Ang nailigtas na bikti­ma ay kinilalang si Flor Ty, isang Chinese casino financer na dinukot upang ipatubos ng P20 milyon.

Nabatid na si Ty ang ikatlong biktima ng grupo at inabisuhan na ng NBI ang dalawa pang mga na­biktima ng grupo upang magsampa ng hiwalay na reklamo ng kidnapping with ransom.

Ang modus ng grupo ay mag-abang ng mga financier sa casino at kidnapin, kung kaya’t minonitor ang galaw ng grupo hanggang sa malaman na ang mga ito ay sakay kama­kalawa ng gabi ng isang pulang Ford Lynx  (SXV 574) at isang Mitsubishi Lancer.

Bandang alas-3:00 ng madaling-araw nang hara­ngin si Ty sa panulukan ng Lope de Vega at Rizal Avenue Sts., ng grupo na sinundan umano mula sa Casino Filipino sa UN Ave­nue, sa Ermita. Nagka­roon ng habulan nang ma­katunog na sumusunod ang grupo ng NBI hanggang sa mauwi sa palitan ng putok.

ANTI-ORGANIZED CRIME DIVISION HEAD AGENT

CASINO FILIPINO

EDWIN CASTRO

FLOR TY

FORD LYNX

GERALD DOMINGO

ISANG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with