Palarong pambansa tututukan ng PTV 4
MANILA, Philippines - Tututukan at ieere ng People’s Television 4 (PTV 4) ang idaraos na PaÂlaÂrong Pambansa 2013 upang mabigyan ang mga manonood ng kumprehensibong update hinggil sa pinakamalaking taunang sporting event sa bansa.
Lumagda na ng kasunÂduan sina Education Undersecretary Rizalino Rivera at PTV 4 General Manager Cleo Donga-as, para mabigyan ng natuÂrang national television network ng airtime at mai-telecast ang daily events ng mga highlights at update ng 2013 Palarong Pambansa.
Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro, kumpiyansa ang DepEd na ngayong broadcast partner na nila ang PTV 4 ay mas masusubaybayan ng viewing public ang mga kaganapan sa Palaro.
Batay sa kasunduan, ieere ng PTV 4 ang PalaÂro sa PTV Sports 2013 PaÂlarong Pambansa Special–Recap mula Abril 22 hanggang 26 mula Lunes hanggang Biyernes, ganap na alas-5:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi, kabilang na ang update nito sa lahat ng news progÂram.
Nauna nang inianunsiyo ng DepEd na magbibigay na rin ng cash awards ang mga pribadong sektor sa mga atleta na magpapakita ng galing sa Palaro.
- Latest