^

Police Metro

Sanggol na ayaw tumigil sa pag-iyak inihulog ni itay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang ama ang dinakip ng mga otoridad matapos na ituro ng kanyang ibang kaanak na siyang pumatay sa sanggol niyang anak sa pamamagitan nang paghulog dito kamakailan sa Cagayan De Oro City.

Ang nasakoteng suspek ay nakilalang si Reymond Mantua,  residente ng Brgy. Macasandig ng lungsod na ito.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, si Macasandig ay dinakip ng mga operatiba ng Cagayan de Oro City Police matapos ituro na siyang nasa likod ng paghuhulog sa kanyang sanggol na anak  noong Abril 9.

Ang sanggol ay binawian ng buhay sa pagamutan sanhi ng pagkabasag ng bungo nito.

Malaki ang hinala ng pulisya na napundi ang suspek sa pag-iyak ng kanyang anak kung kaya’t inihulog nito sa semento.

Bagama’t todo tanggi naman ang suspek ay itinuro mismo ito sa mga otoridad ng iba pa nitong batang anak na nakasaksi sa pangyayari. Ang suspek ay nahaharap sa kasong infanticide.

vuukle comment

ABRIL

BAGAMA

BRGY

CAGAYAN DE ORO CITY

CAMP CRAME

ISANG

MACASANDIG

MALAKI

ORO CITY POLICE

REYMOND MANTUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with