Umbagerong ama dinedo ng anak
MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang anak ang sarili nitong ama matapos umabot na sa sukdulan ang galit nito nang muling sasaktan ang kanyang ina at kapatid kamakalawa sa Brgy. Isio, Cauayan, Negros Occidental.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Esteban Bargamento, 48-anyos na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad na nadakip ang suspek na si Randy Bargamento, 23-anyos na kinasuhan ng parricide.
Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-5:00 ng hapon ay muling magwala ang biktima habang nasa impluwensya ng alak sa loob ng kanilang bahay.
Sinaway ito ng suspek dahil sa akmang sasaktan na naman ang kaniyang ina at mga kapatid na hindi naÂgustuhan ng biktima kaya’t nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo.
Sa gitna ng mainitang pagtatalo ng mag-ama ay buÂmunot ng patalim ang biktima kaya’t napilitan din ang anak nito na kumuha rin ng kutsilyo at nagduwelo sila.
Dahil sa kalasingan ng biktima ay nanaig ang lakas ng anak na bagaman tinamaan ng saksak sa kamay ay tinalo naman sa duwelo ang ama nang masaksak at mapatay ito.
Ayon sa suspek na sa tuwing malalasing ang kanÂyang ama ay palagi umano nitong sinasaktan ang kanilang ina at maging silang magkakapatid.
Hindi nakitaan ng bahid na pagsisisi ang anak sa pagÂkakapatay sa umbagero nitong ama.
- Latest