^

Police Metro

2 pulis itinumba ng tandem

Cristina Timbang, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dalawang aktibong pulis ang binaril nang malapitan sa magkahiwalay na lugar sa Taguig City at Dasmariñas City, Cavite ng mga suspek na nakamotorsiklo.

Namatay noon din dahil sa tama ng bala sa ulo ang biktimang si SPO1 Mohammad Sugod Jr., 45, may asawa, nakatalaga sa Special Operations Unit (SOU) ng Quezon City Police District sa Camp Karingal, Quezon City at naninirahan sa Block 45, Lot 5, Pisado St., Purok 3, Central Bicutan, Taguig City.

Sa ulat ng Taguig Police, dakong alas-7:25 ng gabi ay lulan ang biktima ng itim na motorsiklo (SJ-1990) nang lapitan at kausapin ng dalawang salarin na lulan din ng motorsiklo sa may Pisado St. Purok 3 Central, Bicutan.

Agad na nagbunot ng baril ang backrider at pi­nu­tukan ang biktima sa ulo na hindi nakahelmet at pag­katapos ay mabilis na pinaharurot ang kanilang motorsiklo.

Ganito rin ang nangyari sa isang aktibong pulis sa Cavite nang pagbabarilin ng mga suspek na naka-bonnet paglabas nito ng bahay kahapon ng madaling-araw sa Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City, Cavite.

Ang biktima ay kini­lalang si PO2 Eillor Delima, 33, nakatalaga sa Re­gional Intelligence Unit 4A at residente ng #83 ng nasabing  lugar.

Hindi naman nakilala ang mga suspek na sakay ng motorsiklo na walang plaka na mabilis tumakas.

Batay sa ulat, ganap na ala-1:30 ng madaling-araw ay lumabas ang biktima ng bahay para magtapon ng basura nang ito ay lapitan ng suspek at sunud-sunod na pinutukan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 4 na basyo at 3 bala ng cal 9mm.

vuukle comment

CAMP KARINGAL

CAVITE

CENTRAL BICUTAN

DASMARI

EILLOR DELIMA

INTELLIGENCE UNIT

MOHAMMAD SUGOD JR.

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with