Deadline sa paghahain ng SALN, itinakda sa April 30
MANILA, Philippines -Sa April 30 ang deadline na itinakda ng Civil Service Commission (CSC) para sa lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno sa paghahain nila ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Nagbabala si CSC Chairman Francisco Duque III, na ang mga mabibigong magkapaghain ng SALN ay maaaring masuspinde ng isang buwan at isang araw sa unang paglabag at dismissal naman sa ikalawang paglabag.
Nilinaw pa ni Duque na sakaling hindi makumpleto ng mga empleyado at opisyal ang datos sa kanilang SALN ay dapat itong kumpletuhin sa loob ng tatlumpung araw.
Paliwanag pa nito, layon ng paghahain ng SALN na ma-lifestyle check ang mga manggagawa at pinuno sa pamahalaan, maging ang income at pag-aari ng kanilang pamilya.
Bukod dito mababatid din umano sa SALN kung may kwestiyonableng assets at salapi ang isang public servant at kapag napatunayan ay papanagutin ito sa ilalim ng batas.
- Latest