^

Police Metro

‘False Asia’

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinawag ng isang mam­babatas na “false asia” ang ginagawang survey ng Pulse Asia dahil sa kaduda-duda nitong survey.

Ayon kay House Mino­rity Leader Danilo Suarez, isa siya sa maraming nagdududa sa resulta ng survey ng Pulse Asia at kanyang kinukuwestyon ang resulta ng mga pre-election surveys kung saan pawang mga senatoriables ng Team PNoy ang pasok sa top 12.

Kapansin pansin din umano na hindi gaanong dinudumog ang mga sorties ng Team PNoy, subalit pagdating sa survey ay halos lampasuhin nito ang mga kandidatong United Nationalist Alliance (UNA).

Idinagdag pa ng mambabatas, na may mga pagkakataong “statistically impossible” ang resulta ng Pulse Asia.

Idinagdag pa ni Suarez na nagagamit lamang ang survey para ikondisyon ang isip ng mga botante ay pa­bo­ran ang mga nagpakomis­yong partido kandidato.

AYON

HOUSE MINO

IDINAGDAG

KAPANSIN

LEADER DANILO SUAREZ

PULSE ASIA

SUAREZ

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with