^

Police Metro

Pinoys scientist susuriin ang pinsala sa Tubbataha

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magsasagawa ng eco­­logical assessment sa pinsalang iniwan ng US Minesweeper sa Tubbataha Reef ang isang grupo na binubuo ng mga Pilipinong ma­rine biologist, engineer at re­searcher na tumulak ka­makalawa ng gabi pa­tu­ngong Tubbataha Reef sa Palawan.

Ayon kay Tubbataha Park Superintendent Angelique Songco, nga­yong araw sisimulan ang pagsisid sa gagawing follow-up assessment upang pag-aralan ang mga ilalatag na istratehiya para sa rehabilitasyon ng nasirang bahagi ng bahura na pinagsadsaran ng US warship.

Nananatili pa rin sa Tubbataha ang ilang ta­uhan ng US Navy at ang kanilang biologist sakaling kailanganin pa ng kanilang tulong para sa gagawing ecological assessment.

Nilinaw din ni Songco na nakapaloob na sa 1.4 milyong dolyares na ka­tumbas ng P58-M ang kabuuang danyos na dapat bayaran ng Estados Unidos kabilang na rito ang bayad para sa multa at gagastusin para sa rehabilitasyon ng Tubbataha.

 

AYON

ESTADOS UNIDOS

MAGSASAGAWA

NANANATILI

NILINAW

SHY

TUBBATAHA

TUBBATAHA PARK SUPERINTENDENT ANGELIQUE SONGCO

TUBBATAHA REEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with