OFW sinalvage
MANILA, Philippines - Isang 42-anyos na laÂlaki na overseas FilipiÂno worker (OFW) ang pinaniniwalang sinalvage nang matagpuan ang bangkay nito sa madamong bahagi na malapit sa creek kahaÂpon ng maÂdaling-araw sa Brgy. Tanauan, Tanza, Cavite.
Ang biktima ay kinilalang si Ernesto Catanghal, ng Brgy. Sta. Cristina Dasmariñas City, Cavite na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Batay sa ulat, alas-5:30 ng umaga nang maÂtagpuan ang nakahandusay na katawan ng biktima sa nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakatakda umaÂnong makipagkita ang biktima sa ka-live in niÂtong Jenifer VillaÂnueva sa 7-11 Convenient store sa Trece Martirez City matapos na duÂmaÂting ito sa bansa mula sa pagtatrabaho sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).
Malaki ang hinala ng pulisya na pagnanakaw ang motibo sa pamamasÂlang.
- Latest