^

Police Metro

Natuluyan sa ikalawang suicide attempt… Pastor nagbaril sa ulo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa osp­ital ang isang pastor ng Baptist Church makaraang magbaril sa sarili sa loob ng kanyang kuwarto sa Quezon City kamakalawa.

Ang nasawi ay kinila­lang si Edgardo Sibal, 48, binata, residente ng no. 81 Jacinto St., E. Rodriguez.

Sa pahayag ng nobya na si Mary Jane De Mesa, dakong alas-2:00 ng hapon ay pansamantala muna niyang iniwan ang biktima para bumili ng pagkain sa labas.

Ilang minuto ang nakakalipas sa kanyang pagbalik ay nakita na lamang niya itong duguang nakahandusay sa sahig habang hawak ang baril kung kaya’t agad nila itong dinala sa Fe Del Mundo Hospital  na kung saan ay namatay ito dakong  alas-3:20 ng hapon.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Leonardo Pasco, hepe ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) na narekober sa lugar ang isang kalibre 45 baril na ginamit ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.

Nabatid na ang biktima ay una nang nagtangkang nagpakamatay, subalit ito ay naagapan lang at sa ikalawang pagkakataon ay itinaon  nito na walang kasama sa bahay kaya’t naisakatuparan  ang pagpapakamatay.

Hindi pa malinaw sa imbestigasyon kung ano ang dahilan ng pagpapa­ka­matay ng biktima, su­balit ayon sa kapatid nito na kapag sinusumpong ng depresyon ay doon ito nagbabalak na magpakamatay.

 

vuukle comment

BAPTIST CHURCH

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

EDGARDO SIBAL

FE DEL MUNDO HOSPITAL

JACINTO ST.

LEONARDO PASCO

MARY JANE DE MESA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with