^

Police Metro

Dagdag na tulong sa mga beterano, pinamamadali

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nais ng isang Congressman na madaliin na ang pag-apruba sa panuka­lang batas na naglala­yong taasan ang burial as­sistance para sa mga be­terano.

Sinabi ni House Committee on Veterans Affairs and Welfare Chairman at Bataan Rep. Herminia Roman, dapat ng ipasa ng Senado ang House Bill 229 para maihabol na aprubahan ng Pangulong Aquino upang mabigyang pagkilala at saysay ang kagitingan at katapangan ng mga Pilipinong bete­rano na nakipaglaban sa mga Hapon noong World War II.

Layunin ng kongresista na madagdagan ang burial assistance sa mga beterano ng P20,000 mula sa dating P10,000.

Iginiit ni Roman, ma­laking tulong na ito sa mga pamilya ng mga beterano na mabigyan ng desenteng libing ang mga Filipino veteran sakaling maisabatas na ang panukala.

Hindi rin umano sapat ang kasalukuyang burial assistance na ibinibigay sa dependents at pamilya ng mga pumanaw na bete­rano.

 

BATAAN REP

HERMINIA ROMAN

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

PANGULONG AQUINO

SHY

VETERANS AFFAIRS AND WELFARE CHAIRMAN

WORLD WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with