^

Police Metro

Supporter ng mayoralty bet itinumba

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang kawani ng Taguig City hall na sinasabing supporter ng isang mayoralty candidate sa lungsod kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Ta­guig-Pateros District Hospital ang biktimang Jeff Gebriello Minglana, 40, may asawa, nakatira sa Block 52, Ricahuerta St., ng naturang lungsod, dahil sa tinamong apat na tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Nabatid na si Mingla­na ay kasalukuyan emple­yado ng Taguig City Hall at dating department head ng Bussiness Permit and Licensing Office sa administrasyon ni dating Taguig City Mayor Freddie Tinga.

Si Minglana ay sinasabing political supporter ni Taguig City mayo­ralty candidate Bet Rica Tinga, kapatid ni Taguig City Congressman Freddie Tinga.

Ayon kay Sr. Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police, naganap ang insidente dakong alas-5:25 ng hapon sa tapat ng Heaven Door Christian Academy na matatagpuan sa A. Bonifacio Road, Barangay Upper Bicutan.

Habang naglalakad pauwi sa kanilang tahahan ang biktima nang salubu­ngin ito ng dalawang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ng malapitan.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang dalawang suspek habang ang biktima ay isinugod sa pagamutan ng mga nagmalasakit na residente pero hindi na ito umabot ng buhay.

Inaalam pa ng pulis­ya ang pagkakakilanlan ng mga salarin at nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon para mabatid kung may motibong pulitikal ang ginawang pag­baril at pagpatay sa bik­tima.

 

vuukle comment

ARTHUR FELIX ASIS

BARANGAY UPPER BICUTAN

BET RICA TINGA

BONIFACIO ROAD

BUSSINESS PERMIT AND LICENSING OFFICE

HEAVEN DOOR CHRISTIAN ACADEMY

JEFF GEBRIELLO MINGLANA

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with