^

Police Metro

Sinalpok ng van at kotse… 5 riders todas sa overtake

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Limang katao na sakay ng dala­wang motorsiklo ang na­iulat na nasawi sa magkahiwalay na aksidente sa kalye sa lalawigan ng Cagayan at South Cotabato matapos na sila ay salpukin ng mga sasakyan na nag-overtake.

Kinilala ng pulisya ang tatlong miyembro ng pamilya na nasawi na sina Reynante Casay, 37, dri­ver ng motorsiklo, misis na si Leonie, 19 at anak nitong lalaki na si Reynold, 1.

Sa ulat ng Cagayan Police, dakong alas-2:00 ng hapon nang maganap ang sakuna sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Centro Sur, Alcala, Cagayan kamakalawa.

Nabatid na tinangka umano ng van na minamaneho ni Geren Caratiquet na mag-overtake sa motorsiklo na nagbunsod sa malagim na banggaan na ikinasawi ng tatlong biktima.

Nasawi din ang dalawang sundalo na kinila­lang sina Cpl. Akip Totoh at Cpl. Alsibar Salipsaptri; pawang miyembro ng Army’s 27th Infantry Battalion (IB) makaraang salpukin ng kasalubong na kotse kamakalawa ng alas-9:15 ng umaga sa Tupi, South Cotabato.

Base sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawang sundalo at binabaybay ang kahabaan ng highway ng Brgy. Poblacion, Tupi patungong General Santos City.

Mabilis rin na bi­nabaybay ng isang To­yota Vios (ZNE-132) na minamaneho ni Joseph Homer Naluz, isang medical re­presentative ang lugar nang bigla na lamang umanong nag-overtake ito sa sinusundang behikulo at kamalasan ay sinalpok ang kasalubong na motorsiklo ng mga biktima.

Sa lakas ng pagka­kabangga ay nagtamo ng matinding sugat ang dalawang sundalo na bagaman nakasuot ng helmet ay nabigong maisalba ang buhay matapos na tumilapon mula sa kanyang motorsiklo. - Joy Cantos -

AKIP TOTOH

ALSIBAR SALIPSAPTRI

BRGY

CAGAYAN POLICE

CENTRO SUR

GENERAL SANTOS CITY

GEREN CARATIQUET

SHY

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with