^

Police Metro

Call center agent hinoldap sa loob ng UV Express van

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muli na namang kumana ang mga holdaper ng UV Express  matapos na holdapin ang isang call center agent na natanga­yan ng mamahaling gadgets sa loob ng sinasakyang pam­pasaherong van sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Jose Alberto Bautista, 27, residente ng Barangay Bambang ng lungsod.

Isa sa mga suspek na pinaghahanap ng pulisya ay kinilalang si Bernie Salvador, may nakabim­bing kasong robbery holdup.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8:00 ng gabi suma­kay ang biktima sa isang pampasaherong UV Express van mula sa Ba­rangay Rosario Pasig at patungo sana sa Ayala Makati City.

Pagsapit sa C5 na sakop ng Barangay Bagong Ilog ay nagdeklara ng holdap ang mga suspek, na armado ng patalim na nag­panggap na pasahero.

Kinuha sa biktima ang mga high tech na gadget na tinatayang aabot sa P30,000 ang halaga. Agad na bumaba at tumakas ang mga ito matapos makuha ang pakay.

vuukle comment

AYALA MAKATI CITY

BARANGAY BAGONG ILOG

BARANGAY BAMBANG

BERNIE SALVADOR

ISA

JOSE ALBERTO BAUTISTA

KINILALA

PASIG CITY

ROSARIO PASIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with