^

Police Metro

Turistang Koreana na-ativan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 21-anyos na Koreana na kinilalang si Kim Jieun ang langung-lango pa sa alak nang dalhin ng isang taxi driver kahapon ng umaga sa General Assignment Investigation Section ng Manila Police District matapos umanong mabiktima ng Ativan gang.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang pagbiktima sa Koreana dakong alas-12:00 ng hatinggabi ay  dalawa umanong lalaki at dalawang babae ang nakipagkilala sa biktima malapit sa BP International  Hotel sa Ermita, Maynila kung saan siya naka-check-in.

Niyaya ang biktima ng mga bagong kakila­lang ‘kaibigan’ ng inuman at ang mga sumunod na pangyayari ay hindi na umano niya matandaan.

Ayon naman tsuper ng taxi na nagdala sa biktima sa MPD, sumakay sa kanya ang Koreana mag-aala-una ng madaling-araw matapos humingi ng tulong sa kanya nang madiskubreng nawawala na sa kanyang bag ang digital camera, cell phone at pera na nagkakahalaga ng mahigit P480,000.

Hinala ng pulis, mga miyembro ng Ativan Gang ang dumale sa biktima dahil sa istilo ng modus.

Dumating lamang sa Pilipinas noong Miyerkules bilang turista si Kim at nakatakda ring umalis ngayong araw, Biyernes, pabalik ng Korea.

vuukle comment

ATIVAN

ATIVAN GANG

AYON

BIYERNES

DUMATING

GENERAL ASSIGNMENT INVESTIGATION SECTION

KIM JIEUN

KOREANA

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with