PNP initiative sa Southern Mindanao, sinuportahan ng SMI
MANILA, Philippines - Nagtulungan ang PhiÂlipÂpine National Police Region 12 Command at Sagittarius Mines, Inc (SMI) upang iangat ang kahusayan at imahe ng bawat pulis sa buong rehiyon sa pamamagitan ng Transformation Program ng PNP.
Sa PNP Values Formation workshop na ginanap nitong Abril 2 sa KoronaÂdal City, South Cotabato na dinaluhan ng 120 pulis sa buong rehiyon.
Nilinaw ni PNP Acting Director of the Center for Police Strategy Management Sr. Supt. Ferdinand Sevilla na nakaangkla ang proyekto para sa transpormasyon ng pambansang pulisÂya sa PNP Patrol Plan 2030.
“Sa pamamagitan ng values formation workshop ay mabubura natin ang negatibong imahe ng PNP,†ani Sevilla.
“Sa PNP Patrol Plan 2030, mapauunlad ang community safety awaÂreÂness para maibalik ang respeto at paniniwala sa pulisya ng mga komunidad.â€
Idinagdag niya na ang PNP bilang organiÂsasyon ay kailangang makasabay sa pagbabago at modernong panahon.
Buong suporta naman ang ipinagkaloob ng kinontrata ng gobyernong SMI, may hawak din ng Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) para sa Tampakan Copper-Gold Project, sa inisyatiba ng PNP.
Nauna rito, nilinaw ni SMI Corporate Affairs Manager Roy D. Antonio na sa pagtutuloy ng kompanya sa Tampakan Project ay magpupursige silang makikipagtulungan sa gobyerno, sa industriya at sa mga komunidad sa lugar ng proyekto para maunawaan ang kanilang mga pangangailangan at kumilos para sa masusteÂnahan at maliwanag na hinaharap para sa Southern Mindanao at buong Pilipinas.
- Latest