Hinabol ang sumapak sa kaibigan, napatay
MANILA, Philippines -Isang tama sa kaliwang dibdib ang tumapos sa buhay ng isang 19-anyos na binata nang ito ay barilin matapos na habulin ang isang kotse na sinakyan ng isang lalaki na sumapak sa isa nitong kaibigan kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.
Ang biktima na idinekÂlarang dead-on-arrival sa Ospital ng Muntinlupa ay kinilalang si John Mathew Raela, ng no .75 Bunyi Compound Barangay Cupang ng lungsod.
Agad na naaresto sa isang follow-up operation ng pulisya ang isa sa hinihinalang suspek na si Louie Alcala habang pinaghaÂhanap pa ang mga kasamahan nito.
Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling-araw ay naglalakad ang bikÂtima kasama ang dalaÂwang barkada na sina Erwin Arbolado at Froilan Barrientos sa Bunyi Compound nang bigla umanong lumapit si Alcala at sinapak sa bibig si Barrientos.
Nagtatakbo si Alcala kaya’t hinabol siya ng magkakaibigan hanggang isang pulang kotse na walang plaka ang sumagip sa una, ngunit bago humarurot ay nagpaputok ng baril ang nasa loob ng kotse at tinamaan si Raela.
- Latest


















