^

Police Metro

1-anyos na bata dinukot sa QC

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dinukot ng hindi pa kilalang mga suspek ang isang 1-anyos na batang lalaki noong Martes ng umaga malapit sa kanilang bahay sa Brgy. San Antonio, Quezon City.

Ang biktima ay naki­lalang si Lovelio Mendoza, Jr., ng no. 33 Block A. Sto. Niño St., Baran­gay San Antonio sa lungsod.

Ang pagdukot sa bata ay inireport ng tatay nito na si Lovelio Sr., sa Station 2 kahapon ng mada­ling-araw.

Sa salaysay ng matandang Lovelio, dakong alas-10:00 ng umaga noong Martes naganap ang pagdukot sa anak na nangyari malapit sa bahay nito.

Nabatid na iniwan pan­­samantala ang bata ng kan­yang nanay sa isang tin­dahan, pero pagkabalik ay nawawala na ito.

Maghapon umanong hinanap ng nanay ang bata sa buong paligid, subalit hindi na ito nakita pa.

Isang Rolly Plaza ang nagsabi sa pulisya na isang lalaki ang nakita niyang bitbit ang bata sa may San Jose covered court at isinakay sa isang tricycle at mabilis na umalis sa lugar.

BLOCK A

ISANG ROLLY PLAZA

LOVELIO MENDOZA

LOVELIO SR.

QUEZON CITY

SAN ANTONIO

SAN JOSE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with